Friday, December 4, 2009

Pasko na Naman!

Pasko nanaman o kay kugi ng araw!
Pasko nagdaan di mabago kailan man.

Liriko ng kantang kinakanta ng mga batang kalye
sa mga bahay-bahay. Talaga ngang walang pagbabago
ang pasko. Paputok dito, paputok doon kaya naman
nagkaka-aksidente. Sunog-Kapitan Boom to the rescue,
nakalunok ng Watusi-Doctor Black Jack to the rescue,
nanakawan-Pulis Patola to the habol. Kailan pa magbabago
'to?
Di lang yan ang punto ng Paskong di nagbabago.
Tingnan mo ag lipunan, maraming taong gala. Ano 'to George
of the Jungle? Tarzan? Gaya nga ng sabi sa kanta,
"Why won't you give love on Chri(eeeh)stmas Day?" Nagbibigay ka
nga ng love, pero sa mga inaanak mo naman. Sabi pa ng isang kanta,
"Ipasa na! Ipasa mo! MagPASALO(aaaaaaah)VE ngayong pasko(oooooo)."
Sino ka ba? Anu ang tingin mo sa kanila? Tao din naman sila.
Kahit asong ulol nga di mo matulungan. Sabi nga ng isang kanta,
"I ask the man in the mirror, I ask him to change his ways..."
at sa pagpatuloy mong pakikinggan ang kantang to ni MJ. Sinabi din
yang, sino ba siya para magbulagbulagan na hindi niya nakikita ang
sitwasyon ng mga taong 'to. Kaya tanungin mo ang unggoy sa salamin,
tanungin mo siya kung may nagawa ka ngayong araw. Yun ang sabi ng
adviser namin. Sino nga ba ang unggoy? Ikaw yun. Sino ka ba para
magbobo-bobohan na ikaw yun.
Christmas is not all about Santa and is sleigh.
It's about giving LOVE.. dahil si BRO ang Star ng Pasko..
Salamat sa mga kantang 'to marami ang nabago.
"Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko...
Ang nagsindi nitong ilaw walang iba kundi ikaw...."

Wednesday, November 11, 2009

Sulat-kamay

Hanga ako sa mga tao. Npakatalented nila., nakakain gamit ang spoon and fork (take note di yan pork), pagsayaw, pagkanta, pag-iskandalo at marami pa. Pero tutuon tayo sa art of writing. (Tan-tan—tanana!). Sulat-Kamay!!
Sa lahat ng hayop, mga tao ang nakakasulat, it’s a fact na sila lamang ang tinuruan magsulat, nag-aral magsulat, at pinasusulatan. Ang tanging pagkakaiba ay ang handwriting o sulat-kamay.- Isang uri ng sining ng pagsulat sa pamamagitan ng kamay sa halip na gumamit ng mga aparato o makinarya. Itinuturing ito na isa sa mga mahahalagang kasangkapan sa pakikipag-ugnyan at sa pakikipagtalastasan o kumunikasyon.
Magkakaiba nag sulat-kamay ng iba’t ibang tao bagamat kariniwang silang gumagamit ng iisa o magkatulad na mga alpabeto. Iba-iba ang itsura at paraan nila ng pagsulat ng mga titik. Pinagbabawal ang batas ang mapanlinlang na paggaya o pagkopya sa pirma ng ibang tao.
Sa ngayon la na ng halaga ang sulat-kamay. Sa impluwensya ng MS Word at internet. Mas mabuti na nga yun. Sa ganong paraan din a mauubos ang mga puno sa gubat. Pero, nakakasama nga lang ang computer sa mata, at pag nakaharap ka na di ka na makaalis. Di mo na rin malalanghap ang simoy ng hangin. Pero ang malas lang e...pag nag-brownout. La na. Bye chatmates, yahoo, google, youtube, friendster, facebook, at websearch.
Ikaw. Ssaan mo igugul ang natitirang oras? Sa pagte-text? Hindi na silang nag-aatubiling basahin ang Bible, encyclopedia, almanac, legends, fables, tula, storybooks, pocketbooks at iba pang book.
Ayon sa Ancient Pinoys, ang pagsulat ay nag-umpisa ang pagsusulat sa mga kawayan at dahon. Ibig sabihin ang panliligaw noon ay text message na. Wow! Nax naman. Sa ngayon, sa ‘tingin ko’, umunlad na ang Pinas (sa pagsusulat lamang).Noon magaganda ang sulat. Kita mo yung pirma ni Quezon? Sa ngayon. Wow! May sulat-bata (sulat-kamay ng grade one student), kahig-manok (yun bang, sulat-kamay, pirma pa), at Alibata (e…natural nay an kay lolo, pasmado e).
Back to pass ( o Samurai Jack). Calligraphy. Tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Chino o Chinese. Gamit ang mga Chinese characters. Mas mabuti nga sila, napapahalgahan nila ang kultura. Di tulad sa’tin. Si Kuya Kim na lang nakaka-alala.
Kita niyo yan ang nasa ilalim ng Matanglawin? Pag ita-translate yun Matanglawin pa rin yun. Hehehehe. Pwedi natin sigurong gamitin ang Alibata sa AP classes. Tapos gagawa tayo ng novel in Alibta mode. Akakalahin nila, Korean novel yun pala Pinoy novel.
What is good typing or writing? Para sa’kin writing. Sa paraang ito na i-improve ang sulat-kamay ko at nakakalanghap pa akong fresh air. Pero na atang fresh sa taong ito. Hehehehe. Mabuti rin ito. Kesa computer na type. Type Type. Tigil. Erase, may mali. Balik sa type. Type. Type. Tigil uli. May “ S” ang teeth. Balik. Type. Type. Type. Tigil na naman. Erase, wrong spelling. Ahhhh! Walang tigil. Malas din, sapagkat pag walang ink lang print. Pag alang USB, lang save. Pag alang internet, lang typing. Typewriter ka na lang. Pare-pareho naman silang gumagamit ng tinta. Kaso mahal naman ink nila. Kesa pagsulat. Bibili ka lang ng bagong ballpen pag naubos ang tinta. Pero, malas din. Pag out of stock, edi lapis na lang. Yun. Sulat ka na. Sulat. Sulat. Sulat. Tigil. Mali, crossout. Yun lang simple. Pero pag ipa-publish mo. Sa typing din ito hahantung. Hahahaha! Kay malas ng tao. Dito rin pala ito hahantung. Ika nga, sa hinba-haba ng prosesyon sa simbahan din ang tuloy. Dito sa hinaba-haba ng sulat, pag ipa-publish sa typing hahantung.

Sunday, September 27, 2009

Hula-scope...

Aries: Sa skul ikaw ang laging umi-"Aries" ng blackboard.
Tauros: Tigilan mo na ang pambu-bully..masama yan...
Gemini: Wag mong akalain nasa harap ng salamin ka..TWIn mo yan.
Cancer: Good luck sa iyong CHEMOTHERAPY
Leo: Marami ang galit sa iyong sign..mas mabuting mag paka-LEO-LEO ka...
Virgo: Wag kang inom ng inom ng beer at sumigaw ng VIR-GO!!
Libra: Ikaw ang matalino sapagkat alam mo kung saan ang mas maTIMBANG, Good or Evil
Scorpio: Swerte ka, palagi kang nakakai-score at champion kaya tawag sayo SCORPION!!
Sagittarius: Magaling kang mag-gitara...pero mo di mo nadidiskubre..saGUITARius.
Capricorn: Ikaw ang mamag-ari ng CAPR-CORN, mais ng kapre..
Aquarius: Kung may vegetarian (gulay) ikaw AQUARIAN (tubig)...
Pisces: Mag-ingat ka or else you'll be cut into PISCES!!


Manghuhula ako....

Ngayon malalaman mo kung bkit manghuhula ako....

1.Alam ko nasa bahay ka, sa office, sa cafe, basta...
2.May computer ka...o laptop sa harap mo o anu man basta
maka online ka
3.Binabasa mo ang aking BLOG
4.Habang binabasa mo ang aking BLOG malalaman mo ng malalaman
ang dahilan..
5.Alam ko marami ka pang B-day...
6.Tatanda ka pa..
7.Magkaka-GF/BF o kaya magkakatuluyan kayo o magbibreak
8.Nasarelasyon ka o kahihiwalay mo lang..
9.Kumakain ka pa at umuinom..
10.Bumabaho pa ang iyong katawan...
11.Iko-close mo na ang blog ko...
12.Natuwa ka...at natawa..
13.Mag-oopen ka ng bagong website..
14.o kaya mag-a-out ka na dahil time mo na...
15.Babayarn mo ang iyong open hour o kaya hindi...
sapagkat may PC ka..
16.Ngayon alam mo na....
Manghuhula ako....

Buwahahahaha!!

Friday, September 25, 2009

Canteen Club

Ito ang laging iniisip ko. Bakit sa dinami-dami ng Clubs, ang canteen wala. Di ba? Merong MAPEH Club, Filipino Club, English Club, Science Club at iba pang club.

Kaya naisip kong gumawa ng Canteen Club. Dito sa club na to classmate ko ang inspiration ko. Mataba siya, bagay sa canteen club. Bagay siyang maging president, tawagin na lang natin siyang Golz. Ang magiging motto nila ay: "Mga batang lulong sa Donut" o kaya'y "Mga batang napabayaan sa pintuang ref." Pwede.

Marami din silang activities. (eating!) Kaya magiging masaya ang Club na ito. Sapagkat ako na ang gumawa at wala namang club na ganito. Di ba?

Kaya sa gustong sumali sa Canteen Club. Magparegister na kayo sa respective canteens niyo (joke wag niyong gawin yan) at siguradng apgtatawanan kayo!!

"Ang batang busog, sa canteen nahubog!"

Thursday, September 24, 2009

Nature+Future

Lagi kong naiisip na, ano kaya ang nature pag sinama sa future?
Kaya naisip kong pagsanibin sila....

Ano kaya sa tingin niyo ang NATURE + FUTURE?
Pwes. Tutulungan ko kayo...

Sakin ang NATURE + FUTURE ay ang magiging future ng nature, at ang nature sa future.
Imagine of the future nature, na ang PC ay bato, Kahoy ang Laptop, ang Lightbulb ay
tinatanim para magrecharge, ang lupa ay nakakacharge, tapos may malaking kahoy na nagsusuply na kuryente mula sa araw, nakakatwag ka sa kabibe at nakaka-text, ang mga dahon ginagawa ng furnitures, ang tubig ay nakaka-restore ng enerhiya, ang mga basura nakakapagpaaandar ng jeepney (kailangan talaga jeepney para pinoy), nagbubunga ng gadget ang Narra, makakapanood ka na ng tv sa lupa o kahoy, may radyo ng bata, iPod na baging, ang mga insikto nakakapagcharge ng cellphone, ang lumot pwedi nang gawing foam,
nakakasayaw na ang mga hayop, nakakasunod an sila sa uso.

Meron pa. May internet na ang prutas (imagine fruit prepaid),
online na ang tumbang preso, patintero, holen, text, pogs, sungka, luksong tinik at iba pang pinoy games.
ang yelo nakakapaginit, ang apoy nakaka-refresh, ang shell ng pagong nagiging mouse ng computer, ang scanner ay papel, ang USB ay kahoy, ang memory card ay papel, ang CD, DVD, CD-R at iba pang disc, ay mga kabibe at ang iba alam niyo na yan.

"Ang NATURE pag pinabayaan, mawawala. Pag inalagaan tatagal yan."
Kailangan lang talaga, marealized ng tao ang ginagawa nila sa NATURE. Sapagkat ang NATURE ay mahalaga sa FUTURE, at ang hinaharap magiging FUTURE NATURE.
Ganito ang FUTURE NATURE...
Oh ano? Anong masasabi niyo, ayos ba?